ANG TITULONG NUESTRA SEÑORA DE LOS DESAMPARADOS | Alamin at Tuklasin
Jasper Rome | OLA Social Communications

Ang titulong Nuestra Senora de los Desamparados ay ginamit upang tukuyin si Maria bilang isang mapagmalasakit na Ina ng mga inabandonang anak. Lumaganap ang debosyon dahil sa maraming himala at sagot na mga panalangin.

Bakit nga ba tinawag na Nuestra Señora de los Desamparados ang ating patron?


Ano ang pinagmulan ng titulong ito?


Paano nalikha at sino-sino ang umukit sa imahe ng ating Ina?


Alamin natin yan at tuklasin!


Ang Nuestra Señora de los Desamparados ay ang titulong nagmula sa wikang Espanyol na ang salin sa Ingles ay Our Lady of the Forsaken. Ang debosyon sa Nuestra Señora de los Desamparados ay nagsimula noong taong 1409 sa Valencia, Espanya. Isang araw, si Padre Juan Gilberto-Jofre na isang paring Mercedarian ay patungo sa Katedral ng Valencia upang magmisa. Sa kanyang paglalakad, nakarinig siya ng kaguluhan sa kalye. Nakita niya ang isang lalaki sa lupa na tinatakpan ang kanyang ulo gamit ang kanyang mga braso habang ang mga grupo ng mga kabataan ay tinutuya siya at pinaghahampas.


Nagmadaling sumaklolo si Padre Jofre sa lalaki at hiniling na itigil na nila ang kanilang pananakit sa isa sa mga anak ng Diyos. Iniligtas ni Padre Jofre ang lalaki at napag-alaman niyang may sakit ito sa pag-iisip. Dinala niya ang lalaki sa Mercedarian monastery kung saan doon ay ginamot niya ang kanyang mga sugat at binigyan ito ng kanlungan.


Nang sumunod na Linggo sa Misa, ipinangaral ni Padre Jofre sa kanyang unang homilya ang tungkol sa mga taong may sakit sa pag-iisip. Ipinakiusap niya sa mga tao ang pangangailangan na maitayo ang isang lugar upang pangalagaan at makahanap ng masisilungan ang mga taong may sakit sa isip. Maraming tao ang ang naantig ang puso at bukas palad na nagbigay. Ang pera ay naging sapat at kinalaunan ay naipatayo ang isang tahanan at ospital na nakatuon sa Mahal na Ina sa ilalim ng titulong "Our Lady of Innocents".


Noong Agosyo 29, taon 1414, itinatag ang isang kapatiran na nakatuon sa pangangalaga sa mga may sakit sa pag-iisip. Tinawag itong "Brotherhood of Our Lady of the Insane and the Forsaken Innocents”.


Bumangon ang isang sitwasyon kung saan dumanas ng problema ang lupain na nagresulta sa pagpapalit ng pangalan ng kapatiran. Isang taggutom ang tumama sa lupain at marami ang mga batang naulila sa magulang. Kaya naman, mabilis na pinalawak ng kapatirang ito ang pangangalaga hindi lamang sa mga taong may sakit sa pag-iisip kundi sa maraming batang naulila at gumagala sa mga lansangan ng Valencia. Kaya isinaayos nila ang titulo, at ang bagong dedikasyon nila ay ang titulong "Our Lady of the Forsaken".


Napag-alaman ni Padre Jofre at ng kanyang mga kapatid na prayle na ang ospital na kanilang itinayo ay kulang sa silid-panalanginan. Kaya nagtayo sila ng isang oratoryo at nang ito ay matapos, alam nila na may kulang pa ito, kulang ito ng isang estatwa ng kanilang patronesa. Dahil wala silang mahanap na uukit ng imahe, sila ay pumasok sa silid-panalanginan para sa tulong na makahanap sila ng gagawa ng imahe.


Ayon sa alamat, hindi nagtagal ay may tatlong guwapong binata ang kumatok sa pintuan ng ospital at naghahanap sila ng kanlungan. Nag-alok sila na ukit ng rebulto ang kinakailangang bayad nila para sa kanilang pananatili sa ospital. Hiniling lamang nila na iwanan silang mag-isa para sa kanilang pagtatrabaho na hindi bababa sa tatlong araw.


Sa paglipas ng tatlong araw, nanatiling nakakulong ang tatlong binata sa loob ng silid. Nakikinig ang mga prayle sa may pintuan, ngunit wala silang narinig na kahit anong tunog. Sa pagtatapos ng ikatlong araw, muli silang kumatok sa pintuan, ngunit walang sumasagot. Sa wakas, pinilit nilang buksan ang pinto nang makita nila na wala na ang tatlong lalaki.


Sino kaya ang tatlong lalaki na iyon? Ang kanilang pagkakakilanlan ay kailanman hindi natuklasan ngunit karamihan sa mga tao ay mabilis na naniwala na ang mga anghel na ipinadala ng Diyos ang mga iyon. Kaya nagsimula ang alamat na tinatawag na "Elferen els angels" o Ginawa ng mga Anghel.


Ang nakita ng mga prayle sa gitna ng silid ay isang kahanga-hangang estatwa na nilikha ng mga lalaki. Nagsimulang mangyari ang mga himala, simula sa isang miyembro ng kapatiran hanggang sa mga paralisado at mga bulag.

Ang kapistahan ng “Our Lady of the Forsaken” o Nuestra Señora de los Desamparados ay ipinagdiriwang tuwing ikalawang Linggo ng Mayo sa Valencia sa bansang Espanya, katulad din ng mga simbahang may titulo nito sa buong mundo.


Ang Ina na Mag-ampon ay imahe ng isang ina na tumutugon sa mga panalangin ng kanyang mga anak na humihingi ng tulong. Siya ay ina na nagmamalasakit at umaampon sa lahat lalo na ang mga aba, pinakahuli at naliligaw sa lipunan. Siya ang inang namamagitan para sa atin at hinihikayat tayo palapit kay Hesus. Ang kanyang makapangyarihang panalangin ay nagdala ng hindi mabilang na sagot sa maraming tao na humihingi ng tulong sa kanya. Huwag tayong mag-atubiling lumapit sa kanya dahil hinding hindi tayo pababayaan ng ating Inang Mapag-ampon.


Nuestra Señora de los Desamparados, ipanalangin mo kami.


Jasper Rome | OLA Social Communications


#OLAmarikina #BirhenNgMarikina


-------


Mga Sanggunian:


Kathleensenior, & Kathleensenior. (2020, December 14). Was this statue of Our Lady made by angels? Aleteia — Catholic Spirituality, Lifestyle, World News, and Culture. https://aleteia.org/.../was-this-statue-of-our-lady-made.../


Our Lady of the Forsaken Festival. (2017, September 18). Visit Valencia. https://www.visitvalencia.com/.../our-lady-of-the...


De Oliveira, P. C. (n.d.). Our Lady of the Abandoned Ones, patron of May 12. https://www.traditioninaction.org/.../j126sdVirgenAbandon...


By KN Marcelo | OLA Social Communications February 5, 2025
Gaya ni San Blas, huwag nawa tayong mag-alinlangang ipagtanggol ang ating pananampalataya. Huwag tayong matakot sa pangungutya o pag-uusig.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications February 5, 2025
Kapag binigay natin nang buo ang sarili at buhay sa Diyos upang ang plano Niya ang masunod, magkakaroon tayo ng kasiyahan, kapanatagan ng loob at kapayapaan na hindi natin matatagpuan makuha man natin ang lahat ng yaman sa mundo.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 28, 2025
Makikita ang karunungan sa ating buhay kung ginagamit natin lahat ng ating kakayahan at kaalaman para sa papuri sa Panginoon at upang tulungan ang iba na mapalapit sa Kanya.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 24, 2025
Si San Francisco ng Sales ay isang obispo at pantas ng Simbahan. Siya ay kilala bilang “the gentleman saint”.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 20, 2025
Maaaring hindi natin nararanasan ang pagdurusa na naramdaman ng santo na ating ginugunita ngayon, ngunit tayo ba ay patuloy na naninindigan sa ating pananampalataya?
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 19, 2025
Malapit sa puso ng mga Pilipino ang debosyon sa Señor Sto. Niño. Sa wikang Ingles, ang ibig sabihin nito ay “Holy Child”. Ang “Holy Child” na ito ay walang iba kundi si Hesus.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications January 17, 2025
Isa sa kanyang sikreto sa kabanalan ay ang pagdarasal sa Diyos sa maraming beses sa isang araw, lalo na oras ng temptasyon mula kay Satanas.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 15, 2025
Tuwing ika-15 ng Enero ay ginugunita ng Simbahan ang kabanalan ni San Arnold Jannsen. 
By Marga de Jesus | OLA Social Communications January 12, 2025
Ang pagbibinyag ni Juan Bautista kay Hesus ay hudyat ng simula ng pampublikong ministeryo ng ating Panginoon. Magsisimula na ang tatlong taon Niyang pamamalagi sa mundo upang magpagaling ng mga maysakit, magpalayas ng demonyo at mangaral ng Mabuting Balita.
By KN Marcelo | OLA Social Communications January 9, 2025
Nakikita ng mga tao ang kanilang paghihirap sa paghihirap ng Panginoon. Dahil sa Kanya, nararamdaman ng bawat deboto na mayroong Diyos na pwede nilang lapitan – Diyos na handang dumamay sa kanilang pinagdaraanan at nakaiintindi sa kanilang nararamdaman.
More Posts