Awit sa Ina ng mga Walang Mag-ampon, Birhen ng Marikina

Music by Atty. Raymundo Señga

Words by Jose Diguangco



Aba Maria napupuno ka ng grasiya

sa piling mo kami masaya

Wala kaming sukat ipangamba

kapag ikaw ang sinisinta


Ina ka ng Walang Mag-ampon

sa kupkop mo ay sumasalilong

nang hindi sa dilim mapatapon

Ikaw ang Ina sa habang panahon


Tanggapin mo ang pasasalamat

ng mga anak mong laging matapat

ang alay nami'y maging marapat

sa Diyos maawain sa lahat


Ina ka ng Walang Mag-ampon

sa kupkop mo ay sumasalilong

nang hindi sa dilim mapatapon

Ikaw ang Ina sa habang panahon


Ikaw ang Ina ng Walang Mag-ampon!



Share by: