Our Lady of the Abandoned, pray for us!

Panalangin sa Ina ng mga Walang Mag-ampon, Birhen ng Marikina


Ave Maria, ikaw ang mapagmahal na Inang kumakalinga sa aming lahat. Ikaw na mahabaging INA na kumukupkop sa mga Walang masilungan. Kami ay lumalapit sa iyo, bukod na pinagpalang Ina ng aming Panginoon.


Ikaw ang aming REYNA; pamunuan mo kami sa paglaban sa kasamaan. Ikaw ang aming GURO; papaglinawin mo ang aming isip sa panahong kapos kami sa pang-unawa. Ikaw ang aming ILAW; tanglawan mo kami nang 'di kami maligaw sa dilim. Ikaw ang aming LUNAS; hilumin mo ang sakit ng aming mga kaluluwa at katawan.


Aming Ina, ipagtanggol mo kami sa aming pagkaapi. Aliwin mo kami sa aming hapis. Palayain mo kami sa aming pagkaalipin sa aming mga kahinaan. Inang mapagkawanggawa, ilahad mo ang iyong mga kamay sa mga kapus-palad na nangangailangan ng iyong tulong. Ina ng sangkatauhan, ipanalangin mo kami at akayin sa landas patungo kay Hesukristong Panginoon namin. Amen!


Kami'y iyong ipanalangin, mahabaging Ina ng mga Walang Mag-ampon.


Prayer to Our Lady of the Abandoned, Patroness of Marikina


Ave Maria, you are our affectionate mother

Our intercessor and refuge

We come to you, our blessed mother of God


You are our QUEEN, you lead us in our fight against the work of the evil

You are our TEACHER, enlighten our minds when we do not understand things

You are our LIGHT, shine upon us so we will not be astray in the dark

You are our REMEDY, cure our physical and spiritual illness.


Our mother, defend us in times of persecution

Comfort us in our loneliness

Set us free from our weaknesses

Most charitable mother, open your arms to the less fortunate who implore your aid

Mary, mother of all mankind

Pray for us and lead us to your Son Jesus, Our Lord

Amen



Pray for us most merciful Lady of the Abandoned.

Amen


Share by: