“WALANG HANGGANG AWA NG DIYOS” | Linggo ng Dakilang Awa ng Diyos o Banal na Awa.
Marga de Jesus | OLA Social Communications

 Magkumpisal tayo at mararanasan nating Diyos pa ang aaliw sa ating pusong nasugatan ng kasalanan.

Ikalawang Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

Abril 7, 2024.


MABUTING BALITA
Juan 20, 19-31

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


Kinagabihan ng Linggo ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila. “Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Hesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo.” Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”


Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Hesus. Kaya’t sinabi sa kanya ng ibang alagad, “Nakita namin ang Panginoon!” Sumagot si Tomas, “Hindi ako maniniwala hangga’t di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay, at naisusuot dito ang aking daliri, at hangga’t hindi ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.”


Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Hesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, “Sumainyo ang kapayapaan!” Saka sinabi kay Tomas, “Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na.” Sumagot si Tomas, “Panginoon ko at Diyos ko!” Sinabi sa kanya ni Hesus, “Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.”


Marami pang kababalaghang ginawa si Hesus na nasaksihan ng mga alagad, ngunit hindi natatala sa aklat na ito. Ang mga natala rito’y sinulat upang sumampalataya kayong si Hesus ang Mesiyas, ang Anak ng Diyos, at sa gayo’y magkaroon kayo ng buhay sa pamamagitan niya.


Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Pagninilay:

Ang araw po na ito ay tinaguriang “Divine Mercy Sunday”. Maari po nating mabasa ang mahahalagang gawain ngayong araw sa artikulo
https://www.olamarikina.com.ph/how-to-receive-plenary....
na ito.


Tuwing ikalawang linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang ebanghelyo natin ay tungkol kay Santo Tomas Apostol na nagdududa. Hindi siya makapaniwalang muling nabuhay ang Panginoon dahil siya’y wala roon noong unang nagpakita si Hesus. Subalit, marami sa atin ang ganito, hindi lamang si Santo Tomas. Madalas tayong nag-iisa at ginagamit ang sariling kakayanan upang umunawa sa plano ng Diyos subalit nahihirapan tayong gawin ito. Para maunawaan ang plano ng Diyos at matanggap ang Kanyang karunungan at mensahe sa atin, kailangan natin ng kapayapaan ng puso at tulong Niya. Ang pusong nababagabag ay hindi makakapakinig sa Diyos. Abala ito sa kung anu-anong bagay at nakakaramdam ito ng maraming emosyong negatibo. Lahat ng ito ay pumipigil sa ating makarinig at mag-isip ng tama sa espirituwal na paraan.

Bagamat ang mga alagad liban kay Juan ay nagsitakas at iniwan si Hesus sa pinakamadilim na yugto ng Kanyang buhay - ang pagkamatay sa Krus, si Hesus pa rin ang patuloy na lumalapit sa kanila at nagbibigay ng kapayapaan sa kanilang mga puso.


Sa ganitong paraan, kung sa tingin natin ay nasaktan natin ang Diyos, bakit hindi tayo lumapit sa Kanya at tayo’y makakatagpo ng kapaypaan? Magkumpisal tayo at mararanasan nating Diyos pa ang aaliw sa ating pusong nasugatan ng kasalanan. Mahirap marahil paniwalaan ito para sa taong bihira makatanggap ng awa mula sa ibang tao subalit ang Diyos ay ibang iba sa tao. Siya ay Pag-ibig at Awa ngayon at sa walang hanggan. Ngayon na ang panahon upang maging mga bagong tao muli tayo kay Kristo. Lakasan natin ang loob nating talikdan ang masasamang gawain, ugali at kasalanan sa ating buhay sapagkat papalitan ito ng Diyos ng higit pa sa anumang ating binitawan para sa Kanya.

PAALALA: Sa araw ng Linggo ay magsimba po tayo. Ito ay ating Banal na Obligasyon. Maraming salamat po. Pagpalain po nawa tayo ng Panginoon at patuloy na ipanalangin ng ating Nuestra Señora delos Desamparados.


By Marga de Jesus | OLA Social 01 May, 2024
Sa lahat ng mga santo liban kay Maria, si San Jose ang pinakabanal at importante sa lahat ng mga lalaki.
By Gabriel Hans Ordoñez | OLA Social Communications 01 May, 2024
Pamana ito ng ating mga ninuno na bukod sa taguring na Flores de Mayo ay kilala rin sa tawag na Flores de Maria. Isang buong buwan ito na itinatagala bilang pagpaparangal kay Maria.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 27 Apr, 2024
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
By Jasper Rome | OLA Social Communications 25 Apr, 2024
Much of what we know about St. Mark is that he is the author of the Second Gospel, which comes from the New Testament and early Christian tradition.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 20 Apr, 2024
Dahil dito, maakay natin ang iba sa Diyos hindi man sa salita kundi sa gawa at kilos na nagpapatotoo sa ating totoo at malalim na pananalig sa Diyos.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 14 Apr, 2024
Ipinaliwanag ni Hesus sa Kanyang mga alagad na kailangang magdusa at mamatay ang Mesiyas dahil iyon ang makapagliligtas at makapagbabayad ng ating mga kasalanan.
By Jasper Rome | OLA Social Communications 06 Apr, 2024
On Divine Mercy Sunday, we can obtain plenary indulgence and be completely cleansed, similar to our baptism.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications Ministry 31 Mar, 2024
Kailangang tumimo sa ating mga puso na si Kristo ay tunay na bumangon mula sa mga patay at Siya ay nagtagumpay sa planong pagliligtas ng Diyos dahil dito.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications 30 Mar, 2024
God calls us to the path of holiness. In understanding the Easter Vigil and Easter Sunday Mass, may we glorify God even more, and may we seek to open our hearts to receive more graces so that we may be united with Jesus, both in our sufferings and glorious resurrection.
By Gabriel Hans Ordoñez | OLA Social Communications 29 Mar, 2024
Ginugunita natin ang pagpaparangal sa krusipiko upang alalahanin ang Kan’yang pagpapakasakit bilang tanda ng marubdob niyang pagmamahal sa atin.
More Posts
Share by: