PRUSISYON: Pananampalataya at Tradisyong Pilipino
Gabriel Hans Ordoñez | OLA Social Communications

Ang tradisyong ito ay ginagawa hindi lamang ng mga piling tao ngunit ng pami-pamilya na may kani-kanilang kasaysayan sa taunang pagsali sa prusisyon tuwing mga Mahal na Araw. 

Simula’t sapul, parte na ng pananampalatayang Kristiyano sa ating bansa ang pagdiriwang ng liturhiya at pagdedebosyon. Lalong nangingibabaw ang mga ito kung sasapit ang mga Mahal na Araw kung saan hindi lamang pagdarasal, pagninilay, at pag-aayuno ang ginagawa. Naipakikita rin ng bawat isa ang malalim na pananampalataya sa pamamagitan ng prusisyon. Ang tradisyong ito ay ginagawa hindi lamang ng mga piling tao ngunit ng pami-pamilya na may kani-kanilang kasaysayan sa taunang pagsali sa prusisyon tuwing mga Mahal na Araw. 


Ang prusisyon sa Pilipinas ay nagsimula sa pagdating ng mga Kastila. Ganito rin sa ating lungsod na Marikina. Dala nila ang pamanang ito na nagdulot sa atin ng dahilan upang hindi lamang basta magdiwang o gunitain ang pagpapakasakit ng ating Panginoon. Ito rin ay naging tiyak na paraan upang ituro ang aral ng Simbahan kaugnay sa buhay ng ating Panginoong Hesukristo bilang ating Manunubos. Sa madaling salita, ito ay isang katekesis na nakikita ng tao upang mapagbulay-bulayan ang naging buhay ng Panginoon na naging masunurin sa kalooban ng Diyos Amang nasa langit. Ito rin ang naging daan upang ang mga ninuno natin noong panahon ng pananakop ay magkaroon ng kaalaman sa liturhiya na isa sa mahahalagang pangunahing bahagi ng ating pananampalatayang Kristiyano. 


Ang Lungsod ng Marikina ay may natatanging tradisyong magmula noon na tila hindi nawawaglit at patuloy pang naipapasa sa bawat henerasyon. Ito ay ang prusisyon tuwing Miyerkules Santo upang ipakita sa tao ang kabanalan at kahalagahan ng mga imahen na nagpapahayag ng ebanghelyo. Bahagi ito ng pagdiriwang sa pagpapakasakit at tagumpay na tinamo ng ating Panginoong Hesukristo sa Krus. Sinasalihan ito ng mahigit kumulang 80 hanggang 90 karosa. 


Ang prusisyon ay binubuo ng iba’t ibang mahahalagang tao na bahagi ng pagpapakasakit ng Panginoon. Kasama rin dito ang mga tagpong naganap habang nagpapatuloy ang pagmimisyon ni Hesukristo patungo sa kalbaryo. Pagkatapos nito, Biyernes Santo naman ang susunod na prusisyon sa bayan. Halos kapareho lamang ito ng mga imaheng inilalabas tuwing prusisyon ng Miyerkules Santo ngunit ang kaibahan ay kasama rito ang prusisyon ng “Banal na Libing” o Santo Entierro. Ito ang imahen ng bangkay ng ating Panginoon. Pagkatapos nito, gaganapin naman ang prusisyon sa Linggo ng Muling Pagkabuhay. Ito ay isinasagawa bago ang Salubong o ang Pagpapakita ni Hesukristong Nabuhay sa Mahal na Birheng Maria. Mahalaga ang bahaging ito ng mga Mahal na Araw dahil ipinakikita nito na sa kamatayan ng Panginoon ay muling sumilay ang pag-asa dahil sa Kan’yang pagkabuhay. Ang Salubong ay susundan ng Banal na Misa na susundan naman ng Prusisyon ng Muling Pagkabuhay, kasama ang mga imahen ng santo at santang may kinalaman sa yugtong ito ng buhay ni Kristo. 


Ang pananampalataya at tradisyon ay maitutugma bilang isang mahalagang bahagi ng buhay Kristiyano na nagpapaalab sa bawat isa. Ang kaganapang ito ay pagtawag sa sinuman upang matuto at malaman ang mahahalagang bagay na nararapat na isaisip at isapuso ng bawat isang mananampalatayang Katoliko - ang ebanghelyo. Kaya nga ang prusisyon ay nararapat lamang na gunitain at patuloy na tangkilikin dahil hindi lamang nito basta ipinapakita sa tao ang ganda ng bawat imahen. Ang tunay na layunin ng mga ito ay ang hikayatin ang pagninilay at pananalangin bilang parte ng paggunita sa pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng ating Panginoong butihin. 


By Marga de Jesus | OLA Social 01 May, 2024
Sa lahat ng mga santo liban kay Maria, si San Jose ang pinakabanal at importante sa lahat ng mga lalaki.
By Gabriel Hans Ordoñez | OLA Social Communications 01 May, 2024
Pamana ito ng ating mga ninuno na bukod sa taguring na Flores de Mayo ay kilala rin sa tawag na Flores de Maria. Isang buong buwan ito na itinatagala bilang pagpaparangal kay Maria.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 27 Apr, 2024
“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga. Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya, ang siyang namumunga nang sagana; sapagkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin.”
By Jasper Rome | OLA Social Communications 25 Apr, 2024
Much of what we know about St. Mark is that he is the author of the Second Gospel, which comes from the New Testament and early Christian tradition.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 20 Apr, 2024
Dahil dito, maakay natin ang iba sa Diyos hindi man sa salita kundi sa gawa at kilos na nagpapatotoo sa ating totoo at malalim na pananalig sa Diyos.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 14 Apr, 2024
Ipinaliwanag ni Hesus sa Kanyang mga alagad na kailangang magdusa at mamatay ang Mesiyas dahil iyon ang makapagliligtas at makapagbabayad ng ating mga kasalanan.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications 07 Apr, 2024
Magkumpisal tayo at mararanasan nating Diyos pa ang aaliw sa ating pusong nasugatan ng kasalanan.
By Jasper Rome | OLA Social Communications 06 Apr, 2024
On Divine Mercy Sunday, we can obtain plenary indulgence and be completely cleansed, similar to our baptism.
By Marga de Jesus | OLA Social Communications Ministry 31 Mar, 2024
Kailangang tumimo sa ating mga puso na si Kristo ay tunay na bumangon mula sa mga patay at Siya ay nagtagumpay sa planong pagliligtas ng Diyos dahil dito.
By Chris Alphonsus J. Terence | OLA Social Communications 30 Mar, 2024
God calls us to the path of holiness. In understanding the Easter Vigil and Easter Sunday Mass, may we glorify God even more, and may we seek to open our hearts to receive more graces so that we may be united with Jesus, both in our sufferings and glorious resurrection.
More Posts
Share by: